9 na katao nalason ng butete

SIYAM NA KATAO ang isinugod sa ospital nang ma-food poison sa isdang butete sa Bgy. Bas Diyot, Moalboal City, Cebu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pinagsaluhan ng dalawang pamilyang Tapales at Dopio ang ulam na isdang butete.

Ilang oras makaraang makakain ay nakaramdam ng pagkahilo, panghihina, pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mga biktima.

Apat sa pamilya Tapales ang biktima habang lima ang sa pamilya Dopio.

Isinisi naman sa maling pagluto sa isda kung bakit nalason ang mga biktima kung saan ang pinakamatanda ay edad 73.

Naagapan ang mga biktima na dalhin sa ospital na ngayon ay patuloy na ginagamot.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.