9 biktima ng human trafficking sa Cagayan, na-rescue

TUGUEGARAO CITY – SIYAM na kababaihan na biktima ng human trafficking ang nailigtas ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Nakuha ang mga biktima sa bahay ng na-kilalang si Rodel Lucban kung saan sila itinatago at ginagawa umanong sex workers.

Batay sa pahayag ni C/Insp. Alberto Calimag, hepe ng Sta. Ana PNP, nagpasaklolo  sa tanggapan ng CIDG sa Aparri ang kamag-anak ng isa sa mga biktima.

Dahil dito, agad nagsagawa ng operasyon ang PNP at CIDG at nabawi ang siyam na kababaihan na nasa edad ng 18-21-anyos na karamihan ay residente ng ibang lugar.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Person ang posibleng kahaharapin ni Lucban na nasa kustodiya ngayon ng mga kinauukulan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.