9 Babae, Na-Rescue Mula sa Prostitusyon sa Palawan

SIYAM NA babae ang na-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa prostitusyon sa Cuyo, Palawan. Dumating ang mga babae kahapon sa lungsod ng Iloilo.

Na-rescue ang mga babae sa isang videoke bar sa Sitio Tabunan, Brgy. Suba, Cuyo na pag-aari umano ng mag-asawang Federico at Analiza Ramintas at isang Regie Dela Cruz.

Ayon sa mga otoridad, ang mga biktima ay pinangakuan ng trabaho bilang waitress sa Cuyo, Palawan ng isang homosexual na nakilalang si Din-Din Dela Cruz ng Fajardo, Jaro, Iloilo City. Ngunit pagdating nila sa lugar, pilit silang pinapa-table sa mga kostumer at pinipilit ding isama sa labas ng mga ito.

Nakatakas ang isang menor de edad na biktima, tumawag at nagsumbong sa kanyang ina sa Iloilo. Humingi kaagad ng tulong ang kanyang ina mula sa NBI at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.