9-Anyos, Patay; 2 Sugatan sa Sunog sa Cebu

ISANG SIYAM na taong gulang na bata ang namatay, habang dalawa ang sugatan matapos masunog ang isang two-storey building malapit sa Poblacion Market, Lapu-lapu City, Cebu kagabi.

Kinilala ang namatay na si Chelmer Manggubat, anak ng may-ari ng nasunog na bahay na si Mark Anthony Manggubat, matapos itong ma-trap sa nasabing gusali.

Habang nagtamo naman ng first degree burn ang kapatid ng namatay na si Mac Manggubat.

Nabali naman ang kalingkingan ni Fire Officer 1 Norman Alibya matapos mahulog sa pagresponde sa sunog.

Ani FO1 Johnmer Liseges ng Lapu-lapu City Fire Deparment, ang nakalimutang sinindihang mosquito repellant ang naging dahilan ng sunog.

Itinaas sa 2nd alarm ang sunog at nakontrol ito makalipas ang ilang minuto. Inisyal na pagtaya, umabot rin sa P80,000 halaga ang naging danyos sa sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.