9 anyos na nene, minolestiya ng tricycle driver

KULONG NA, BUGBOG pa ang inabot ng tricycle driver matapos mahuling pinapasok ang daliri sa ari ng nene sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Sa kulungan na magpapahinog ng bukol si Lee De Guzman, 34 ng Libis Nadurata, Dagat-dagatan ng lungsod.

Ayon sa biktimang edad 9 at kalugar ng suspek, ala-1:30 ng umaga, nagising siya sa pagtulog sa loob ng kanilang bahay nang maramdaman na may humihimas sa kanyang ari.

Pagmulat ng mata ay nakita ang suspek ang humihimas at nang tangkaing ipasok ang daliri ay sumigaw ang nene na narinig ng ama na naging dahilan upang saklolohan ang anak.

Hindi na nakatakas ang suspek nang dambahin ng mga sumaklolo ring mga kapitbahay bago niromansa ng bugbog.

Nabatid sa ina ng bata na madalas na sa kanila natutulog ang suspek dahil ang huli ang pumapasada ng tricycle ng una.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.