9-Anyos na Nene, Hinalay ng Amain

SWAK SA kulungan ang isang kelot matapos halayin ang 9 na taong gulang na stepdaughter sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Valenzuela Police at nahaharap sa kasong Statutory Rape si Teody Garcia, 28, ng San Juan St., Dalandanan ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon, pinatungan ng suspek ang biktimang si Nene (di-tunay na pangalan) sa loob ng nasabing bahay subalit nakita ng lola ng bata.

Agad na tumalilis ang suspek nang makita ang saksi at nang tanungin si Nene ng kanyang lola, dito inamin niyang ilang beses na rin siyang ginalaw ng amain.

Sinamahan ang biktima sa presinto upang magsampa ng reklamo laban sa suspek na nagresulta ng pagkakadakip rito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.