9-anyos, kinatay ng binatilyong may sayad

LABING-TATLONG TAMA ng saksak ang tumapos sa buhay ng isang 9-anyos na babae makaraang pagsasaksakin ng isang binatilyo na umano ay may diperensya sa pag-iisip sa Plaridel, Bulacan, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kinilala ng Plaridel, Bulacan Police Station ang biktima na si Jessica (hindi tunay na pangalan)at naninirahan sa nabanggit na bayan.

Kasalukuyan namang na-sa kustidiya ng Department Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek na isang nagngangalang Ruben, 17-anyos at kapit-bahay ng biktima.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, bandang alas-11:30 ng gabi nang maganap ang pamamaslang sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay. Tanging ang kasama ng biktima ay ang kanyang nakababatang kapatid na babae.

Walang ingay na pinasok ng suspek ang bahay ng biktima at pagkatapos ay pinagsasaksak nito ang batang babae ng 13 beses sa iba’t ibang parte ng katawan.

Dahil sa ingay na likha ng biktima habang inuundayan ng saksak ay nakatawag pansin sa batang kapatid na si Pauleen, 5.

Dali-daling pinuntahan ng kapatid ng biktima ang pinagmumulan ng ingay at kitang-kita nito ang ginagawang pananaksak ng suspek sa kanyang ate.

Kaagad na humingi ng tulong si Pauleen sa kanilang kapit-bahay habang ang suspek ay mabilis na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng bahay.

Napa-alaman sa ilang kalugar ng biktima na ang suspek ay may tililing umano kaya nagawa ang brutal na pagpatay sa biktimang si Jessica.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad, nagresulta sa maagang pagkakaaresto sa suspek.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.