9-Anyos, Dedo sa Bugbog ng Kaklase

NAMATAY SA bugbog ang isang 9-anyos na bata ng kanyang dalawang kaklase matapos mag-agawan ng upuan sa loob ng eskuwelahan sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang nasabing biktima na si John Joseph Bruca, Grade 3 pupil sa San Jose South Elementary School habang ang dalawang nanggulpi ay hindi pa mahagilap.

Nabatid na nakipag-agawan ng upuan ang biktima sa dalawang kaklase sa naturang paaralan hanggang sa mangyariang pambubugbog.

Huli na ng malaman ng ina ang nangyaring insidente sa kanyang anak na nagtamo ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan nadala pa  ito sa pagamutan matapos ang apat na araw na kinakitaan ng palatandaang kritikal ang kalagayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.