9-Anyos, Bugbog-Sarado sa Mini-Bus Driver

HINDI MAPIGIL ng siyam na taong gulang na batang hindi na pinagalanan ang umiyak dahil sa nararamdamang pananakit ng katawan dulot ng pambubugbog umano ng isang mini-bus driver sa Dagupan City, Pangasinan.

Napag-alamang hinabol ito ng mini-bus driver na si Jonathan Jofalar at nang maabutan ay kanyang pinagsasampal at pinagsusuntok.

Napuno na raw ang driver dahil sa kapil-yuhan ng bata na lagi silang sinasampal at binabato sa tuwing sila ay tulog.

Dahil sa ginawa, kinasuhan ang suspek habang ang bata naman ay ipapasakamay sa City Social Welfare Offfice sa Dagupan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.