Eugene Domingo, muntik matusok sa mata – Tita Swarding

OLACHIKKA. MARAMI ANG nag-text at tumawag sa akin tungkol sa naisulat ko dito sa Pinoy Parazzi nu’ng isang araw tungkol sa yaman ni Willie Revillame.

Marami ang nakapag-isip lalo na ang ilang mga kaibigan ko in and out showbiz at ‘yung iba ay nag-email nalang sa akin. Pero sorry na lang at hindi ko mababasa ang lahat ng message at sobrang dami talaga. ‘Yung iba ay nagbigay ng pahayag at nagtataka rin kung bakit nga ganu’n na lang kabiglang yaman ang isang mayabang na TV  host. Talbog pa ang yaman ng ilang artista at pati na rin siguro ang Pambansang Kamao ay tatalbugan niya. Ha! Ha! Ha! Ang ilan ay may mga hacienda pa at marami ang show sa telebisyon at tambak ang mga commercialat at may mga negosyo pa, tapos biglang ganu’n nalang siya kayaman? Pati ba naman ang bahay ng isang Gabby Lopez ay nabili na rin ni Willie? Ayan at naitsika sa akin ng friend ko na mismong nasa loob ng ABS-CBN compound nagtatrabaho na nagpapatayo pa ng isang building sa tapat ng ABS-CBN na may pangalang Will Theater bukod sa bahay niya sa Tagaytay at mga mamahaling sasakyan at ang mga yate. Kaya marami ang nag-iisip kung bakit ganu’n na nga lang ka-biglang yaman ang isang Willie Revillame. Diumano, nakapangalan sa kanya ang yaman at mga ari-arian ng isang pulitiko. Tsika ng friend ko,”kung noon, tita, ay parang basang sisiw na humihingi ng tawad si Willie sa publiko nang matangal ito sa noontime show nila noon pati mga kasamahan niya sa show ay nadamay, eh, bakit nu’ng may noontime show siya noon ay hindi siya ganu’n kayaman? Ngayon lang na bago lang ang Wowowee ay bigla siyang yumaman ng bongang-bonga. Pero ngayon ay sobrang angas na ito kung umasta mula nang mabangit ng hitod na ito na wala raw siyang kinatatakutan.” Nakakaloka, ha! Pati sa Maykapal ay hindi siya takot! Hoy, maghunos-dili ka nga!

Kinikilabutan ako sa ‘yo. Kaya ganu’n na lang kung magbayad ng mga tao upang mag-rally sa labas ng Wowowee at mag bitbit ng placard at magsisigaw diyan sa labas ng Dos ay dahil ayaw nilang makalimutan ng tao ang hitad na TV host upang maikampanya pa nito ang asawa ng manager nitong pulitko.

Dagdag ng aking Parazzi Girl na sinundan pa si Willie Revillame sa Davao. “Totoo na marami ang mga tao, pero, tita Swarding, hindi naman umabot sa 100,000 ang tao na dumating. Sobra na po iyon dahil hindi naman ganu’n kalaki ang buong football field at malapit pa ito sa Davao River. Kung umabot sa 100,000 pataas siguro nasa ilog na lahat sa agro ecoland yun, tita Swarding, naganap. Ha! Ha! Ha! Nakakaloka, ha! Hmmm…’Yun na!

NATUTUWA AKO AT nagkausap kami ng friend kong direktor na si Bb. Joyce Bernal at pati na rin ang bida ng Kimmy Dora na si Eugene Domingo. Halakhakan ang aming kwentuhan ni Eugene kahit sa telepono lang dahil busy rin ang magaling na komedyana sa pagpo-promote ng Kimmy Dora sa Cebu nu’ng isang araw. Habang kausap ko si Eugene ay naglalagay pala ito ng kanyang pilik-mata upang gumanda at muntik nang matusok ang kanyang mata.Ha! Ha! Ha!

Sa premiere night ng Kimmy Dora ay inimbitahan ako nina direk Joyce Bernal at Eugene sa SM Megamall cinema 10 ngayong Sep 2. Ayon nga sa magaling na derektor, aabangan ito ng lahat kung paano lalamutakin ng bibig ni Eugene ang kanyang leading man na si Dingdong Dantes dahil napaka- torrid daw ng kissing scene ng dalawa. Nakakaloka, ha! Hindi nagpaawat si Eugene pagdating sa halikan at marami raw ang pakulo sa premiere night ng Kimmy Dora na produce pala ito ng papa ng bayan na si Piolo Pascual at ng magandang direktor na si Bb.Joyce Bernal. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Eugene Domingo, muntik matusok sa mata – Tita Swarding

  1. Isa lang ang masasabi ko sayo swrding . malaki ang ingit mo kay willie. KC ARAW2X SYA YUNG SINISIRAAN MO KAHIT ANUNG GAWIN NYO HINDI NYO MAPABAGSAK C wILLIE KC mahal sya ng mga tao.

  2. I suggest i-promote mo na lang ang Eat Bulaga na iyong pinapanood para tumaas ang ratings kasi wala na nga si Willie sa WOWOWEE eh No.1 pa din sa Daytime. At kundi mo din alam na ung Wowowee vs. Star Magic sa ARANETA ay sold out at isa kami sa nanood. 3 days before the date nung ito innounce sa TV . 2 days pa lang sold out na tiket. Malaki ang kinita duon. Ang alam ko si Marian Rivera ay nag-show din nung araw na yun pero walang balita kung gaano kadami ung pumunta. Eto, wala pa syang box-office movie as of now.

  3. Swarding, I suggest na basahin mo ung article sa Pep.ph last Aug.24 ng 11am. Sila kasi ang unang nagsulat nito at nandun din ung staff ng Pep.ph sa show mismo. At yung nagsabi ng 120,000 ay PNP (Phil. National Police) in case di mo alam ung meaning. Accept mo na kasi ang katotohan na kahit siraan mo, pati si Joey DeLeon at iba pang writers na maka-Kapuso pati Kapuso followers at indi matatanggi ang katotohan. Kaya nga ganun na lang dikit ni Manny Villar sa kanya. Look, matalinong tao si Sen.Villar at di yan lalapit sa isang tao kung indi yan ma-impluwensya gaya ni Willie at Bro.Mike ng ElShaddai. At madami pang politician ang lumalapit sa kanya gaya ni Mar Roxas. Nakaabot na kay Korina ang tungkol sa Davao at balak din nila isama si Willie sa darating na kasal nila.

  4. nbasa ko…ngaun2 lng na
    mamu2dmod daw “DAW” ng pera c willie kpag nanood ng concert n un…
    twag nga ng 1 online article eh….little stampid daw
    it dis true???????

  5. hahaha! exaggerated naman ang praise release ng dos at wowowee 120,000 daw booo! lokohin niyo lelang niyo!

    nagpakalat pa sila ang balita na mamimigay ng pera si willie kaya nagsipunta ang mga tao!

    pera lang ang habol ng mga tao doon at hindi dahil kay wiilie mandaraya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.