87-anyos na lola, pinatos ng 27-anyos na kelot

PINAGHAHANAP NGAYON ang isang binata na nagtangkang humalay sa 87-anyos na lolo sa lalawigan ng Iloilo.

Sinasabing pinatos ng 27-anyos na si Bogs, ‘di tunay na pangalan, ang biktima kahit na wala nang ngipin at hindi na makalakad dahil sa katandaan sa bayan ng Maasin.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame huli sa aktong kinukubabawan ng suspek ang lola na itinago sa pangalan Amor, 87, isang biyuda at nag-uulyanin na.

Ayon kay Sr. Insp. Ariel Corcino, hepe ng Maasin Municipal Police Station, mismong ang anak ng biktima ang nakakita sa ginawa ng suspek.

Ayon sa anak ng biktima, naabutan nito ang suspek na nakapatong na sa kanyang ina para tuluyang halayin. Dahil dito, hinampas ng anak ang suspek at kahit nakababa ang underwear ay mabilis na kumaripas ng takbo.

Sa salaysay naman ng lola sa mga pulis, nagkuwento ito na pinahawakan pa umano sa kanya ng suspek ang ari nito bago siya tinangkang gahasain.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.