86 Biktima ng Human Trafficking, Nailigtas ng Coast Guard

WALUMPU’T ANIM na biktima ng human trafficking ang nailigtas at napigilang umalis ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga City.

Batay sa impormasyong nakarating sa Coast Guard Headquarters sa Maynila, nakita ang dalawang fast craft sa lugar ng Petro Bay Wharf na ginagamit sa pagbiyahe ng mga recruit sa human smuggling.

Ininspeksyon ng PCG operatives ang ML Nurhira bago lumayag at pinigilan itong umalis makaraang madiskubre ang sakay nitong 32 kalalakihan at 18 kababaihan.

Sakay naman ng isa pang fast craft na ML Fatima Raiza ang 36 na iba pang biktima na hindi rin pinayagang makaalis.

Samantala, nabatid na nagbayad ang mga biktima ng tig-P2,500 sa fixer na naglakad ng kanilang papeles at nakilala lamang sa pangalang “Apt” para makapunta sila sa Sabah, Malaysia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.