84th BIRTHDAY NI RAMON AGIMAT REVILLA SR

WALA PA RING kupas ang ‘agimat’ ni ex-Senator Ramon Revilla Sr. Nu’ng Martes, March 8, in full-force na dumating ang angkan ng Bautista/Revilla sa 84th birthday ng isa sa mga Hari ng Pelikulang Pilipino.

Isa sa mga highlights ng nasabing okasyon ay ang pagpapasinaya ng isang rebulto ni Don Ramon na magsisilbing bantayog ng Cavite Coliseum. Sorpresa ito ng kanyang pamilya sa pangunguna ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Congresswoman Lani Mercado.

Ayon pa sa dating Senador, hindi niya makakalimutan ang araw na ‘yon dahil buong-puso niyang nadama ang pagmamahal ng kanyang pamilya. Naluha pa ang orihinal na ‘Agimat’ ng telon sa labis-labis na kasiyahan.

May isang museo, na tinawag na ‘Memo Revilla’, rin ang binuksan na mag-e-exhibit ng mga memorabilias ni Don Ramon – mula sa personal niyang koleksyon at mga kagamitan sa kanyang pagiging artista, hanggang sa mga bagay nang pasukin na niya ang pulitika.

Ang rebulto ay nililok ng National Artist na si Eduardo Castrillo. Sa ilalim ng rebulto ay nakasulat ang mga pangalan ng mga babaeng naugnay sa makulay sa buhay-artista ni Don Ramon.

Nandoon din sa naturang okasyon ang mga kilalang pangalan sa showbiz at pulitika, tulad nina Mother Lily Monteverde, Sen. Jinggoy Estrada, Manny Pacquiao, ex- Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, at marami pang iba.

Photos by Luz Candaba and Danny Volante

Ni Eric Borromeo

Premiere Shots

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “84th BIRTHDAY NI RAMON AGIMAT REVILLA SR

  1. …nakakatuwa ang ex-sentor and ex-president naglalaro rin pala sila ng jack-en poy.
    …oa naman yata yung rebulto…may agimat ding kasama yun?at nag samasama talaga ang mga hmmm…..alam mo bang ibig kong sabihin?….

    • Baka rebulto sa pinakamaraming illigitimate children ang ibig sabihin sa writer na ito, guess lang naman, peace.

Leave a Reply

Your email address will not be published.