80 pamilya, nawalan ng tirahan dahil sa sunog

 

AABOT SA 80 pamilya ang nagsisiksikan ngayon sa iba’t ibang barangay hall makaraang masunog ang 62 kabahayan sa Barangay Tibungco, Davao City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sunog dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon sa Purok 14 ng naturang barangay.

Ayon sa isang Corazon Wangya, isa sa mga nasunugan, nakarinig sila ng malakas na pagsabog sa kanilang lugar matapos ang umano’y pag-aaway ng kanilang kapitbahay na itinanggi naman ang pagkakakilanlan.

Ilang saglit pa ay may nagliyab sa magkakadikit na bahay.

Dahil pawang yari sa light materials ang tahanan, agad na kumalat ang apoy habang nabulaga ang mga residente kaya naman hindi na nakapagbitbit ang mga ito ng kanilang mga

gamit.                                                                 (EUNICE CALMA)

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.