80 pamilya, nasunugan sa Pasig

TINATAYANG AABOT SA 80 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na tupukin ng apoy ang kanilang kabahayan Martes ng umaga sa Pasig City.

Sa report ng Pasig City Fire Department, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang sunog sa kabahayan sa Caliwag St., Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.

Nabatid na halos tumagal ng isang oras ang naturang sunog dahil na rin sa hindi agad nakapasok sa makipot na kalsada ang mga pamatay-sunog, kung saan ay umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago tuluyang naapula.

Ayon kay SFO3 Robert Mavilla, malaki ang posibilidad na nagsimula ang sunog sa “faulty electrical wiring” dahil na rin sa parang spaghetti ang mga kawad ng kuryente sa lugar.

Tinataya namang aabot sa isang milyong (1 million) piso ang halaga ng mga ari-ariang nasunog sa halos 30 barung-barong na gawa sa light materials.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa natu-rang sunog.

Samantala nananawagan naman sa City Government ng Pasig ang mga biktima ng sunog na sila ay tulungan para maitayo muli ang kani-kanilang nasunog na tahanan.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.