8-Week Kinder Summer Class, ikakasa na ng DepEd

INIHAYAG NG DEPARTMENT of Education (DepEd) na sisimulan na nila sa susunod na buwan ang pagbibigay ng summer classes sa mga batang may edad na lima at anim, bago tumuntong sa Grade One.

Sa DepEd order No.23 na inilabas ng tanggapan ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, nakasaad na ang klase ng Kinder Summer Program (KSP) ay pasisimulan sa Abril 11 hanggang Hunyo 3 sa buong bansa.

Bawat isang guro sa isang klase ay kailangan mayroon lamang na 20 hanggang 25 estudyante.

Layunin ng kalihim na matutukan nang husto ng mga guro ang mga “paslit” nilang mag-aaral, lalo na’t walong linggo lamang ang preparasyon ng mga ito bago tumuntong sa Grade One.

Sa pamamagitan ng KSP, maihahanda umano ang kaisipan ng mga estudyante sa mas malawak na pag-aaral at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay na gampanan ang mga asignaturang ituturo ng mga guro.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.