8 Titser, Bagsak sa Food Poison

WALONG GURO sa isang pribadong paaralan ang naospital makaraang ma-biktima umano ng food poisoning sa Koronadal City.

Sinabi naman ng health officials sa nasabing lugar na nag-request ang mga biktima na huwag na lamang isapubliko ang kanilang pagkakakilanlan.

Base sa report, nanggaling umano sa isang okasyon ang nasabing mga guro nang nalason ang mga ito.

Napag-alaman na matapos na sumama ang pakiramdam ng mga biktima, agad namang dinala sa isang bahay-pagamutan at binigyan ng nararapat na lunas.

Tiniyak naman ng nasabing ospital na mabuti na ang kalagayan ng nasabing mga guro dahil bahagya lamang ang nangyaring food poisoning.

Sa ngayon, patuloy ang eksaminasyon at monitoring ng mga doktor sa naturang mga guro.

Habang patuloy naman na inaalam kung anong pagkain ang naging dahilan ng pagkalason ng mga biktima.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.