8 Sugatan sa Lumiyab na Sasakyan sa C-5 Flyover

NASA MALUBHANG kundisyon ang tatlo sa walong katao na nasugatan nang aksidenteng lumiyab ang isang owner type jeep habang nasa bahagi ng C-5 flyover sa Pasig City kahapon ng umaga.

Nabatid na nagtamo ng sunog sa katawan ang mga biktima na nakasakay sa naturang jeep na kasalukuyang ginagamot na sa isa sa mga ospital sa Pasig City.

Nagdulot naman ng matinding trapiko ang nasabing aksidente. Bumalik din naman sa normal ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar, makalipas ang ilang oras.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang im-bestigasyon ng pulisya hinggil sa naging sanhi ng pagliyab ng nasabing owner type jeep.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.