8 sasakyan sa SLEX, nagkarambola

Naging mabagal ang takbo ng trapik sa direksiyon ng southbound lane sa South Luzon Expressway (SLEX), matapos magbanggaan ang walong sasakyan kahapon ng umaga ayon sa traffic bureau ng Skyway O&M.

Matapos ang insidente na naganap bandang ika-7:00 ng umaga, lalong bumagal ang daloy ng sasakyan dahil pansamantalang isinara ang nasabing daanan para naman sa clearing operations ng emergency teams, ayon kay Leo Estudillo, Skyway traffic radio operator.

Ayon sa pahayag ni Estudillo, nawalan ng kontrol ang isang cargo truck bandang ika-5:30 ng umaga at bumangga ito sa isang bus na lumikha ng isang domino effect sa mga sasakyang nasa harapan ng mga ito na nagresulta sa pagsisiskip ng trapiko ng SLEX road. Nagbigay naman ng pangunang lunas ang mga rescue teams sa mga nasaktan at nasugatan sa nasabing aksidente.

Kasalukuyan pa ring inaalam ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagkawala ng kontrol ng cargo truck. Hindi pa rin nagbibigay ng kanilang pahayag ang mga police investigators ng Bicutan traffic center hinggil sa nangyari.

Hindi rin matiyak ni Estudillo kung ilan ang eksaktong bilang ng mga biktimang nasaktan at nasugatan sa aksidente. Ang mga sugatang biktima ay dinala na sa Parañaque Medical Center at Asian Hospital.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.