8 Razziest Controversies of the Year

  1. Hiwalay-balikan-hiwalayan ulit nina Jessy Mendiola at JM De Guzman

Naging magsyota, naghiwalay, naging magsyota uli, ngayon, tuluyan nang hiwalay sina Jessy Mendiola at JM de Guzman. Tinuldukan na ni Jessy ang pakikipagrelasyon sa gifted actor dahil may kanya-kanya umano silang priorities. “It’s better siguro na we focus on our respective priorities, so ‘yun. ‘Yun lang naman. I just want to focus on myself first. And that’s the same with him,” ayon kay Jessy nito lang unang linggo ng Nobyembre. Bago pa unang nagkahiwalay ang dalawa, dalawang taon din silang may relasyon at matapos magkahiwalay, muling nagtagpo ang landas noong Abril taong kasalukuyan. Bumalik ang ningning ng career ni JM taong ito, pero naging problema umano ito sa set ng teleseryeng All Of Me. Tinanggal sa teleserye si JM. Pinalitan din siya ni Jericho Rosales para sa kanyang role sa Metroi Manila Film Fest entry na “Walang Forever” katambal si Jennylyn Mercado.

Naging magsyota, naghiwalay, naging magsyota uli, ngayon, tuluyan nang hiwalay sina Jessy Mendiola at JM de Guzman.
Tinuldukan na ni Jessy ang pakikipagrelasyon sa gifted actor dahil may kanya-kanya umano silang priorities.
“It’s better siguro na we focus on our respective priorities, so ‘yun. ‘Yun lang naman. I just want to focus on myself first. And that’s the same with him,” ayon kay Jessy nito lang unang linggo ng Nobyembre.
Bago pa unang nagkahiwalay ang dalawa, dalawang taon din silang may relasyon at matapos magkahiwalay, muling nagtagpo ang landas noong Abril taong kasalukuyan.
Bumalik ang ningning ng career ni JM taong ito, pero naging problema umano ito sa set ng teleseryeng All Of Me.
Tinanggal sa teleserye si JM. Pinalitan din siya ni Jericho Rosales para sa kanyang role sa Metroi Manila Film Fest entry na “Walang Forever” katambal si Jennylyn Mercado.

  1. Janice de Belen, idinawit sa hiwalayang Maja Salvador at Gerald Anderson

Sa hiwalayang Maja Salvador at Gerald Anderson, nagulantang ang publiko na isang Janice de Belen umano ang naging dahilan ng split-up. Lumabas kasi ang isang larawang hinahalikan ni Gerald ang beteranang aktres sa pisngi. May nagsasabi namang noon pang 2011 nagsimula ang relasyon ng dalawa habang ginagawa ang teleseryeng “Budoy”, kung saan mag-ina ang dalawa. Pinabulaanan ni Janice ang kontrobersya. “Bakit ako? Wala bang ibang mas sexy or mas maganda? Bakit ako?” tanong ng aktres. Hindi malinaw hanggang sa ngayon ang totoong dahilan ng hiwalayan ni Maja at Gerald.

Sa hiwalayang Maja Salvador at Gerald Anderson, nagulantang ang publiko na isang Janice de Belen umano ang naging dahilan ng split-up. Lumabas kasi ang isang larawang hinahalikan ni Gerald ang beteranang aktres sa pisngi.
May nagsasabi namang noon pang 2011 nagsimula ang relasyon ng dalawa habang ginagawa ang teleseryeng “Budoy”, kung saan mag-ina ang dalawa.
Pinabulaanan ni Janice ang kontrobersya.
“Bakit ako? Wala bang ibang mas sexy or mas maganda? Bakit ako?” tanong ng aktres.
Hindi malinaw hanggang sa ngayon ang totoong dahilan ng hiwalayan ni Maja at Gerald.

  1. Sheryl Cruz, may matinding pag-ayaw sa pinsang si Sen. Grace Poe

Imbes na suporta mula sa isang kamag-anak, binatikos ni Sheryl Cruz ang kandidatura ng kanyang pinsang si Senator Grace Poe sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na eleksyon. Unang nailathala sa pahayagang ito ang pagtutol ni Sheryl Cruz sa kandidatura ng kanyang pinsan dahil hindi pa raw ito handa na maging pangulo. Lumaba sa Pinoy Parazzi ang mga instagram post ni Sheryl (@papel2012) kung saan sinabi nitong “… I’m reserving my support when I see that she’s ready to lead- I know her long enough- for now- I’m sorry but don’t count me in…” Lalong tumindi ang tsismis na nagsimula pa noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos na iisa ang ina ni Sheryl at Grace. Love child umano ni Rosemarie Sonora, ina ni Sheryl, si Grace Poe sa dating diktador.

Imbes na suporta mula sa isang kamag-anak, binatikos ni Sheryl Cruz ang kandidatura ng kanyang pinsang si Senator Grace Poe sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na eleksyon.
Unang nailathala sa pahayagang ito ang pagtutol ni Sheryl Cruz sa kandidatura ng kanyang pinsan dahil hindi pa raw ito handa na maging pangulo.
Lumaba sa Pinoy Parazzi ang mga instagram post ni Sheryl (@papel2012) kung saan sinabi nitong “… I’m reserving my support when I see that she’s ready to lead- I know her long enough- for now- I’m sorry but don’t count me in…”
Lalong tumindi ang tsismis na nagsimula pa noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos na iisa ang ina ni Sheryl at Grace.
Love child umano ni Rosemarie Sonora, ina ni Sheryl, si Grace Poe sa dating diktador.

  1. Jiro Manio, namamalimos sa NAIA

Marami ang nagtaka kung bakit istambay ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 si Jiro Manio noong huling linggo ng Hunyo 2015 samantalang hindi naman ito aalis ng bansa. Napansin umano ng mga gwardiya na hindi ito nagpapalit ng kanyang damit at nanghihingi ng makakain. Apat na araw din itong namalagi sa paliparan bago pa na-rescue ng Kapuso Mo Jessica Soho upang matulungan na maipa-rehab. Kahilingan ni Jiro na makasama ang kanyang tunay na amang Hapon na naninirahan sa Japan. Sinubukan ni AiAi de las Alas na makausap ang ama ni Jiro minsang pumunta ang komedyate sa Japan pero ayon kay AiAi hindi na ito interesado sa kanyang anak dahil sa alitan nito sa lola ni Jiro dito sa Pilipinas.

Marami ang nagtaka kung bakit istambay ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 si Jiro Manio noong huling linggo ng Hunyo 2015 samantalang hindi naman ito aalis ng bansa.
Napansin umano ng mga gwardiya na hindi ito nagpapalit ng kanyang damit at nanghihingi ng makakain.
Apat na araw din itong namalagi sa paliparan bago pa na-rescue ng Kapuso Mo Jessica Soho upang matulungan na maipa-rehab.
Kahilingan ni Jiro na makasama ang kanyang tunay na amang Hapon na naninirahan sa Japan.
Sinubukan ni AiAi de las Alas na makausap ang ama ni Jiro minsang pumunta ang komedyate sa Japan pero ayon kay AiAi hindi na ito interesado sa kanyang anak dahil sa alitan nito sa lola ni Jiro dito sa Pilipinas.

  1. Legal battle ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto

Nag file si Julia Barretto sa korte na alisin sa kanyang tunay ng pangalan ang apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla na Baldivia. Ayon sa inihaing kaso ng abogado ni Julia, ang orihinal na birth certificate ni Julia ay walang apelyidong Baldivia na nakasaad dito. Binago lamang umano ang birth certificate noong magpakasal ang kanyang amang si Dennis Padilla at inang si Marjorie Barretto. Ipinanganak si Julia noong Marso 10, 1997 samantalang ikinasal naman ang kanyang mga magulang noong Nobyembre 14, 1997. Pinayagan ng korte ang annulment ng kasal nina Dennis at Marjorie noong Oktubre 29, 2009 sa dahilang may unang pinakasalan si Dennis noong pang 1994. Argumento ni Julia, kahit ang sariling ama ay hindi ginagamit ang apelyidong Baldivia kundi ang apelyidong kilala sya na Padilla. Kilala rin umano sya bilang Barretto kaya nais umano nitong alisin na sa kanyang birth certificate ang apelyidong Baldivia. Matapos maghain ng pagtutol noon si Dennis Padilla, sumang-ayon na ito sa kagustuhan ni Julia na alisin ang apelyidong Baldivia sa kanyang birth certificate.

Nag file si Julia Barretto sa korte na alisin sa kanyang tunay ng pangalan ang apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla na Baldivia.
Ayon sa inihaing kaso ng abogado ni Julia, ang orihinal na birth certificate ni Julia ay walang apelyidong Baldivia na nakasaad dito. Binago lamang umano ang birth certificate noong magpakasal ang kanyang amang si Dennis Padilla at inang si Marjorie Barretto. Ipinanganak si Julia noong Marso 10, 1997 samantalang ikinasal naman ang kanyang mga magulang noong Nobyembre 14, 1997.
Pinayagan ng korte ang annulment ng kasal nina Dennis at Marjorie noong Oktubre 29, 2009 sa dahilang may unang pinakasalan si Dennis noong pang 1994.
Argumento ni Julia, kahit ang sariling ama ay hindi ginagamit ang apelyidong Baldivia kundi ang apelyidong kilala sya na Padilla.
Kilala rin umano sya bilang Barretto kaya nais umano nitong alisin na sa kanyang birth certificate ang apelyidong Baldivia.
Matapos maghain ng pagtutol noon si Dennis Padilla, sumang-ayon na ito sa kagustuhan ni Julia na alisin ang apelyidong Baldivia sa kanyang birth certificate.

  1. Enrique Gil, lasing na nagwala sa eroplano

Nagwala umano si Enrique Gil sa loob ng eroplano noong patungo ang mga artista ng ABS CBN sa London kaugnay ng pagtatanghal na ASAP doon. May mga report na si Jay Cuenca at Paulo Avelino ang nagpainom kay Enrique hanggang sa malasing ito at nang bumibiyahe ang eroplano ay kinulit kulit umano nito si Jessy Mendiola. Napahiya umano si Enrique nang pagsabihan ni Jessy at namag-itan sa kanila si Luis Manzano. Pati umano si Liza Soberano na pinakakalma ang ka love team ay namura ng partner kaya sinampal nito ang binata. Wala namang grabeng sakitan na nangyari pero matapos ang insidente nagbanta ang ina ni Jessy na magdedemanda laban kay Enrique. Hindi natuloy ang demanda.

Nagwala umano si Enrique Gil sa loob ng eroplano noong patungo ang mga artista ng ABS CBN sa London kaugnay ng pagtatanghal na ASAP doon.
May mga report na si Jay Cuenca at Paulo Avelino ang nagpainom kay Enrique hanggang sa malasing ito at nang bumibiyahe ang eroplano ay kinulit kulit umano nito si Jessy Mendiola.
Napahiya umano si Enrique nang pagsabihan ni Jessy at namag-itan sa kanila si Luis Manzano.
Pati umano si Liza Soberano na pinakakalma ang ka love team ay namura ng partner kaya sinampal nito ang binata.
Wala namang grabeng sakitan na nangyari pero matapos ang insidente nagbanta ang ina ni Jessy na magdedemanda laban kay Enrique.
Hindi natuloy ang demanda.

  1. Kris Aquino, insensitive sa nararamdam ng mga boss ni PNoy

Sa kalagitnaan ng kontrobersiya sa “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport, nag-post si Kris Aquino ng papuri sa sinakyang Philippine Airlines at sa mga staff sa NAIA na nag-asikaso sa kanya matapos sumakay sa flag carrier ng Pilipinas noong umuwi ito sa bansa mula sa Hawaii. Galit ang mga netizens dahil maganda umano ang trato sa kanya, samantalang dusa naman ang ordinaryong mamamayan kapag sumasakay ng eroplano paalis ng bansa dahil nga sa “tanim-bala” issue. “Insensitive” at “wrong timing” ang pagkakalarawan ng mga netizens kay Kris. Dapat sana ay pagtuunan umano ng pansin ni Kris ang mga kumakayod sa ibang bansa, upang matustusan ang naiwang pamilya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtulong sa problema ng mga ito dahil kapatid naman nito ang pangulo at ipinangalan sa kanyang ama ang paliparan. Hindi lang sa “tanim-bala” issue inulan ng batikos si Kris mula sa mga netizens. Matapos ang Asia Pacific Economic Forum Summit sa Maynila, kung saan may mga commuters na naglakad ng halos 8 kilometro upang makauwi dahil na rin sa traffic rerouting scheme, nag-post ang Queen of All Media sa kanyang Instagram ng picture, kung saan sunog ang balat nito sa balikat. Parte ng post nito ang sinabing, “Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag commute these past few days, patas ang mundo, patche patche naman ang balat ko…” Ayon sa mga netizens, pinili ni Kris na magpa-sunburn samantalang hindi nila ninais na maglakad ng malayo at mabinbin sa trapik nang sampung oras nang walang kain, hindi makaihi at manganak sa kalye. Humingi ng paumanhin si Kris. Lagi na, ‘sorry’ ang sagot ni Kris sa mga batikos: “I humbly apologize for my failed attempt at self-depracating humor Thursday night that came across as being spoiled and insensitive.”

Sa kalagitnaan ng kontrobersiya sa “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport, nag-post si Kris Aquino ng papuri sa sinakyang Philippine Airlines at sa mga staff sa NAIA na nag-asikaso sa kanya matapos sumakay sa flag carrier ng Pilipinas noong umuwi ito sa bansa mula sa Hawaii.
Galit ang mga netizens dahil maganda umano ang trato sa kanya, samantalang dusa naman ang ordinaryong mamamayan kapag sumasakay ng eroplano paalis ng bansa dahil nga sa “tanim-bala” issue.
“Insensitive” at “wrong timing” ang pagkakalarawan ng mga netizens kay Kris.
Dapat sana ay pagtuunan umano ng pansin ni Kris ang mga kumakayod sa ibang bansa, upang matustusan ang naiwang pamilya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtulong sa problema ng mga ito dahil kapatid naman nito ang pangulo at ipinangalan sa kanyang ama ang paliparan.
Hindi lang sa “tanim-bala” issue inulan ng batikos si Kris mula sa mga netizens.
Matapos ang Asia Pacific Economic Forum Summit sa Maynila, kung saan may mga commuters na naglakad ng halos 8 kilometro upang makauwi dahil na rin sa traffic rerouting scheme, nag-post ang Queen of All Media sa kanyang Instagram ng picture, kung saan sunog ang balat nito sa balikat.
Parte ng post nito ang sinabing, “Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag commute these past few days, patas ang mundo, patche patche naman ang balat ko…”
Ayon sa mga netizens, pinili ni Kris na magpa-sunburn samantalang hindi nila ninais na maglakad ng malayo at mabinbin sa trapik nang sampung oras nang walang kain, hindi makaihi at manganak sa kalye.
Humingi ng paumanhin si Kris.
Lagi na, ‘sorry’ ang sagot ni Kris sa mga batikos: “I humbly apologize for my failed attempt at self-depracating humor Thursday night that came across as being spoiled and insensitive.”

  1. Jomari Yllana, tinawag na pinakatangang pangulo si PNoy

Tinawag na pinakatangang presidente ni Jomari Yllana si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang Facebook post noong unang linggo ng Pebrero matapos ang malagim na encounter ng Special Action Force (SAF) at mga puwersa ng Moro Islamic Liberation Front kasama ang iba pang armadong kalalakihan. 44 na miyembro ng SAF ang nasawi sa naturang engkuwentro. Tinawag ding mandarambong ni Jomari ang gabinete ni PNoy na sana umano’y dumiretso sa impyerno ang mga sasakyan nila na dumaraan sa nagkukuwanring tuwid na daan. Nag-text umano is Kris Aquino kay Jomari bilang sagot sa kontrobersyal na Facebook post nito na balitang mahaba ang nilalaman, pero hindi na raw sinagot ni Jomari ang text ni Kris dahil lalo lang umano silang hindi magkakaintindihan. Magkumpare ang dalawa dahil inaanak ni Kris ang anak ni Jomari kay Aiko Melendez na si Andre.

Tinawag na pinakatangang presidente ni Jomari Yllana si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang Facebook post noong unang linggo ng Pebrero matapos ang malagim na encounter ng Special Action Force (SAF) at mga puwersa ng Moro Islamic Liberation Front kasama ang iba pang armadong kalalakihan.
44 na miyembro ng SAF ang nasawi sa naturang engkuwentro.
Tinawag ding mandarambong ni Jomari ang gabinete ni PNoy na sana umano’y dumiretso sa impyerno ang mga sasakyan nila na dumaraan sa nagkukuwanring tuwid na daan.
Nag-text umano is Kris Aquino kay Jomari bilang sagot sa kontrobersyal na Facebook post nito na balitang mahaba ang nilalaman, pero hindi na raw sinagot ni Jomari ang text ni Kris dahil lalo lang umano silang hindi magkakaintindihan.
Magkumpare ang dalawa dahil inaanak ni Kris ang anak ni Jomari kay Aiko Melendez na si Andre.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.