8 prosti, arestado sa Gensan

WALONG KABABAIHAN NA nagsisilbing sex workers ang inaresto sa ilalim ng entrapment operarions sa General Santos City, South Cotabato.

Ayon kay C/Insp. Leo de Leon Sua, hepe ng Pendatun Police Station, nasa kanilang kustodya ang mga dinakip at handa nang kasuhan.

Karamihan sa mga nahuli ay nasa edad 18 hanggang 24 na pawang residente ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Sua na pasado alas-10:00 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Pioneer Avenue makaraang ireklamo ng ilang kalalakihan sa takot na may nakahahawang sakit ang mga ito.

Ang pagsalakay ay bunsod na rin ng pagpigil sa dumaraming kaso ng sexually transmitted diseases sa lungsod. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.