8 Pinoy na Kinasuhan sa Malaysia, Pinatututukan ng Palasyo

PINATUTUTUKAN NG Palasyo sa Philippine Embassy sa Malaysia ang walong Pinoy na kinasuhan kaugnay ng bakbakan sa Lahad Datu, Sabah.

Nahaharap sa kasong terorismo at paglulunsad ng giyera laban sa hari ng Malaysia ang walo na may katapat na 30 taon pagkakulong o parusang kamatayan.

Sinasabing hindi lahat sa mga kinasuhan ay kasapi ng Royal Army ni Raja Muda Kiram.

Sinabi naman ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na titiyakin ng embassy officials na mabibigyang pagkakataon ang mga Pinoy na maipagtanggol ang sarili at maigagalang ang kanilang karapatan.

Samantala, patuloy namang binubusisi ng Malacañang ang kaso lalo’t sa news reports lang ng Malaysia ito lumabas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.