8 Pasimuno ng Gulo sa Demolisyon sa Makati, Kakasuhan

HANDA NA ang mga kaso laban sa walong residente ng Guatemala Street, Barangay San Isidro, Makati City na umano’y nasa likod ng marahas na demolisyon kamakalawa.

Sinabi ni Senior Superintendent Manuel Lukban, hepe ng Makati City Police na kabilang sa mga kasong kakaharapin ng mga naarestong salarin ay direct assault, malicious mischief at apat na bilang ng physical injuries, na nag-ugat sa reklamo ng apat na pulis ng Civil Disturbance Management (CDM) unit na nasugatan sa nangyaring insidente.

Ayon naman kay SPO1 Joseph Capunen, may hawak sa kaso, kakasuhan din sina Dennis Llona, Romulo Llona, Rodito Yaranon, Jestoni Pangamoan, Ricardo Tarayo, Jeric Abroga, Hildo Gonzales at Michael Delima na pawang nakunan sa video na nambabato sa demolition team.

Samantala, pinagha-hanap pa rin ang itinuturong lider ng grupo na si Lino Ohos ng Guatemala Neighborhood Association.

Kabilang naman sa mga pulis na magsasampa ng reklamo ay sina Police Chief Inspector Dexter Castor, SPO1 Romel Decena Rocha, PO3 Carlos Ligligen at PO2 Aries Alcantara.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.