8 Nigerian, arestado sa sex trade; 6 na menor, nasagip

WALONG NIGERIAN NATIONALS ang inaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang maaktuhan sa sex trade sa loob ng isang hotel sa Malate, Manila.

Ayon kay CIDG chief, Director Samuel D. Pagdilao, Jr., ang mga dinakip ay sina Lucky Nelson, 24; Dumalo Gbue, 25; Yerebbari Neemana, 29; Owki Baknanawe, 29; Sundah Korobriowei Mathew, 29; Gabriel Tekena, 28; Worlo Enyi, 25; Mark Jack, 24; pawang  foreign students at kasalukuyang nakatira sa Manila Manor Hotel sa Bocobo St., Malate.

Nasagip naman sa ope-rasyon ng CIDG na tinawag na Project Angel Net ang anim na menor de edad na kababaihan.

Una munang dumulog sa CIDG ang isang Cecilia Salvador makaraang mabiktima ang kanyang 14-anyos na anak na sangkot sa internet pornography.

Alas-10 ng gabi noong Miyerkules ay isinagawa ang operasyon sa nasabing hotel kung saan naaktuhan ang mga dayuhan na binibili ang serbisyo ng mga menor sa handler nitong isang Emmy Cruz na nagkakahalaga ng P1,500 bawat isa.

Kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children ang ikinakasa na sa walong dayuhan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.