8 Laglag sa Shabu

WALONG DRUG pusher/user ang nadakip matapos ang isinagawang pagsalakay ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency at Navotas City Police sa nasabing lungsod.

Nakilala ang nadakip na sina Roberto Gozon; Boy Celin; at ka-live-in na si Mylene Cahandig; Macario Dela Cruz; Philip dela Cruz; Rudy Acuin; Alvin Bautista; Robert Cortez, pawang nasa mga hustong gulang at mga residente ng Roldan st., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 kamakalawa ng umaga nang unang salakayin ang bahay ni Gozon kung saan nakuhanan ng hindi pa batid na dami ng Shabu.

Sinunod na sinalakay ang bahay ng mag-live-in, bago ang bahay ni Dela Cruz, kung saan sumisinghot ng Shabu ang iba pang dinakip na nakuhanan din ng mga Shabu at drugs paraphernalia.

Bago ang pagsalakay, nakatanggap ng text report ang tanggapan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, hinggil sa talamak na benta-han ng illegal na droga.

“Nagpapasalamat po tayo at patuloy na humihingi ng suporta sa taong bayan na makiisa laban ito sa droga, gayundin sa PDEA na tumulong upang maging matagumpay ang operasyong ito” ani pa ng alkalde.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.