8 Kulong sa Illegal Fishing

WALONG MANGINGISDA ang inaresto ng  awtoridad ang walong mangingisda na naaktuhang gumagawa ng illegal fishing at pumasok pa sa Malanawan reef sa bahagi ng Barangay Lingsat, San Fernando, La Union.

Sa ulat, kinumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Gaurd (PCG) at Bureau of Fishiries and Acquatic Resources (BFAR) mula sa mga suspek na pawang residente ng bayan ng Balaoan ang apat na bangka, apat na compressor pump at iba pang kagamitan.

Sa ngayon ay nasa kostudiya ng mga awtoridad ang walo at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga ito.

 (E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.