8 Kawani ng Mandaluyong; 1 pulis, bagsak sa drug test

WALONG KAWANI NG Mandaluyong City at isang aktibong pulis ang napatunayang “durugista” matapos na bumagsak ang mga ito sa isinagawang mandatory drug test noong nakalipas na taon ayon kay Mayor Benhur Abalos Jr.

Sinabi ni Abalos, na inutusan na niya si Mandaluyong City Police Chief, Sr. Supt Armando Bolalin na sampahan ng kasong administratibo ang pulis na hindi na tinukoy ang pangalan.

Ang tatlo sa walong empleyado naman ng City Hall na pawang mga contractual ay hindi na ni-renew ang kani-kanilang mga kontrata at tuluyan ng sinibak sa trabaho.

Habang ang lima ang nahaharap na rin ngayon sa dismissal proceeding makaraang bumagsak sa isinagawang drug test.

Sinabi pa ng Alkalde, na noong nakalipas na Nobyembre ay sumailalim sa drug test ang may kabuuang 3,862 empleyado, pulis, jailguard, judge at fiscal sa Mandaluyong bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa illegal na droga.

Noong nakalipas na linggo lamang naipadala sa tanggapan ng alkalde ang resulta ng pagsusuri kung saan ay lumitaw na positibo sa paggamit ng droga ang  mga nabanggit na empleyado.

Kasabay nito ay binalaan na ni Mayor Abalos ang lahat ng kawani ng city hall na kung mahal nila ang kanilang trabaho ay huwag nang subukin pang tumikim ng ano mang uri ng ipinagbabawal na gamot dahil magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa salot na droga.            (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.