8 Katao, Patay sa Bagyong Ramon

WALONG KATAO NA ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ramon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council, karamihan sa mga biktima ay mula sa lalawigan ng Iloilo .

Tatlo naman ang nasugatan habang dalawa pa ang nawawala. Mahigit 5,600 pamilya o tinatayang 23,000 katao na ang apektado ng bagyo. Mula ang mga ito sa 16 na bayan at pitong lungsod sa Regions 4-B, 6, 7, 8, 10, 12 at CARAGA.

Halos 1,300 pamilya o mahigit 8,400 indibidwal ang nananatili sa 26 na evacuation centers.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.