8 Katao, Naaktuhang Bumobola ng Jueteng

WALONG KATAO na sinasabing mga Jueteng personnel ang inaresto habang aktong binobola ang mananalong kombinasyon sa nasabing numbers game sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Ponciano Pangalinan, 37, taga-Brgy. San Bartolome, Nueva Ecija; Armando Fernando, 50, retired AFP personnel, taga-San Leonardo, Nueva Ecija; Roldan Dimaculangan, 44, taga-Block 27, Lot 8, Dasmariñas, Cavite; Rono Rigat, 28, taga-San Leonardo, Nueva Ecija; Johnny Lopez, 29, taga-Magpapalayo, Nueva Ecija; Jhun Dando, 32, taga-Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija; Ogie Naguisa, taga-Tagumpay, San Leonardo, Nueva Ecija; at Peter Cantos, 42, taga-San Leonardo, Nueva Ecija, pawang mga jueteng personnel.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-11:30 ng umaga nang maaresto ang mga nasabing personnel ng Jueteng sa loob ng isang compound sa Villa Maria St., Brgy. 2, District-1, ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, isang text massage ang na-tangap ng SMS Center ng RD-NCRPO mula sa isang residente sa nasabing lugar na umano ay may gagana-

ping bolahan ng mananalong kumbinasyon ng Jueteng.

Kaagad namang inatasan ng RD-NCRPO ang hepe ng Caloocan Police Station na si Sr. Supt. Jude Santos na siya namang nag-utos sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng pagsalakay. Agad namang naaresto ang mga suspek na aktong binobola ang mananalong kumbinasyon sa nasabing numbers game.

Nakumpiska sa mga suspek ang ‘di pa matukoy na halaga ng pera, kumpletong set ng bolilios at iba pang gambling paraphernalia.

Kinumpiska rin ng pulisya ang isang Toyota Hi-Ace na kulay gray at may plakang XGA-797 na siyang ginagamit na service sa operasyon ng Jueteng.

Ang mga naaresto ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa RA. 9287 (Illegal Numbers Game) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.   (ROMAN MAGPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.