8 holdaper, timbog sa follow-up ng pulis

SAN JOSE DEL Monte City – Hindi nagawang makatakas pa ng 8 kabataan na pawang mga holdaper na bumibiktima sa mga pampasaherong bus sa gabi sa nabanggit na siyudad.

Sa ulat na tinanggap ni Acting PPN Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr. kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Martin Alvez, 21; Isagani Rica, 20; Michael Ortiz, 18; Armando Roque, 18; Crispin Dakigan, 18; Miki Saculingga, 18; Leonal Maupay, 17; at Mark Anthony Cariedo 18, kapwa residente ng  Sitio Tala, Malaria, Caloocan City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, ganap na alas-10:30 ng gabi nang maganap ang holdapan sa kahabaan ng Quirino Highway sakop ng Brgy. San Manuel sa isang pampasaherong bus na Elena Transport na may plakang TXG-813 via SM Fairview.

Ayon sa driver ng bus na si Melanio Belardo, kasalukuyang tinatahak nila ang naturang highway nang bigla na lamang siyang tutukan sa leeg ng isang icepick ng isa sa walong mga suspek,kung saan nilimas ng mga ito ang pera at cellphone ng kanyang mga pasahero at maging ang kanilang kita sa pamamasada ay tina-ngay rin.

Sa salaysay naman ng anim na mga pasahero, papauwi na sila ng kani-lang mga tahanan nang maganap ang hold-up, kung saan kabilang sa mga tinangay ng mga suspek ang mahahalagang gamit nila tulad ng laptop.

Tinatayang aabot sa P50,000 ang natangay ng mga suspek, kung saan na-recover pa ang ilan sa mga personal na pag-aari ng mga biktima. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.