8-Health Center sa Navotas, Pinasinayaan

PARA MABIGYAN ng maayos na serbisyo pagdating sa kalusugan ang mga residente ng Navotas, walong bagong Health Center at Navotas Youth Center ang pinasinayaan kamakailan sa naturang lungsod.

Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang nasabing pasinaya kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan lungsod at mga health workers na sinaksihan ng ilang mga residente na dumalo sa naturang pasinayan.

“Atin pong ipinaayos ang mga tanggapan ng kalusugan sa iba’t ibang barangay natin upang maging mas malapit at komportable ang mga Navoteño at maging health workers sa pagbibigay ng serbisyong medical,” ani pa ng alkalde.

Idinagdag pa ni Tiangco na prayoridad ng kanyang administrasyon ang kalusugan ng bawat Navoteño kaya naman patuloy ang pagsasaayos ng mga imprastraktura at inaasahan nitong magiging maganda ang serbisyong ibibigay mula sa mga health workers.

Kasabay nito, hinihikayat din ni Tiangco ang kanyang mga constituent na mag-aplay o mag-renew ng kani-kanilang Philhealth cards para sa kanila rin kapakinabangan pagdating sa kalusugan lalo na kapag tuluyan nang matapos ang Navotas City Hospital na inaasahang matatapos sa taong ito. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.