8-Footer na Buwaya, Nakawala sa Zoo

ISANG WALONG-TALAMPAKANG buwaya ang nakawala sa isang mini-zoo sa Kidapawan City noong Sabado.

Ayon kay Arman Carcallas, caretaker ng The Landmark Mini-Zoo, napansin niyang wala na ang buwaya nang pa

kakainin na niya ito.

Nakita umano ang buwaya sa ‘di kalayuan mula sa zoo at posibleng nandoon pa ito sa Saging River, dagdag niya.

Dahil dito, nangangamba ang mga residente sa posibleng pag-atake ng buwaya.

Sinabi naman ni Kidapawan City Mayor Rodolfo Gatuangco na makikipag-ugnayan na ang pamunuang lokal sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa agarang ikahuhuli ng buwaya.

Sa oras na mahuli ay bibigyan umano ng mas maayos at mas matibay na kulungan ang nakatakas na buwaya.

Nagbigay-babala naman ang alkalde sa mga residente na huwag munang maligo sa mga kalapit na ilog o lumapit sa mga ito.

Tatlong taon na ang buwaya na may bigat na 50 kilo at ibinigay sa mini-zoo matapos mahuli sa Pikit, North Cotabato, tatlong taon na ang nakalilipas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.