8 Estudyante, Sinaniban ng Masamang Espiritu

MATINDING TAKOT pa rin ang nararamdaman ng ilang mga estuyante ng Mabilao National High School sa bayan ng San Fabian, Pangasinan matapos sapian ang walo nitong estudyante ng umano’y masamang espiritu.

Una rito, maagang pinauwi ang mga estudyante matapos magkagulo dahil sa nakitang pagsanib ng masamang espiritu sa katawan ng walong estudyante.

Panginginig ng katawan at pagtirik ng mata ang unang nasaksihan ng mga estudyante na labis nilang ikinatakot.

Wala namang ibang nagawa ang mga nakasaksi kundi ang magdasal.

Ayon naman sa salaysay ng isa sa mga nasaniban, nakarinig ito ng bulong bago himatayin at nang balikan ng ulirat ay hindi na nito alam ang nangyari.

Sa katunayan aniya, tatlong beses na itong nasaniban matapos silang maglaro sa lugar ng spirit of the glass gamit ang baston noong buwan ng Nobyembre.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng DepEd Pangasinan II Division na tutugunan nila ang nasabing insidente upang malaman ang dahilan ng nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.