8 Estudyante sa Cagayan, Sinasapian ng Masamang Espiritu

KASALUKUYANG MAGSASAGAWA NG ritwal sa Sta. Ana Fishery National High School sa Sta. Ana, Cagayan makaraang sapian ng sinasabing masasamang espiritu ang walong mag-aaral kamakalawa habang isinasagawa ang graduation.

Ayon kay Mayor Darwin Tobias ng Sta. Ana, maayos na isinasagawa ang graduation ceremony sa kanilang paaralan nang sapian ng masamang espiritu ang walong mag-aaral na nagbanta ng kaguluhan araw-araw, kung kaya’t inilipat ang seremonya sa munisipyo sa kahilingan na rin ng mga magulang.

Batay sa rekord ng paaralan, nakararanas ang mga mag-aaral ng araw-araw na may hinihimatay, makaraang sabay-sabay na himatayin ang may 100 mag-aaral na sinasabing sinasapian ng masamang espiritu. (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “8 Estudyante sa Cagayan, Sinasapian ng Masamang Espiritu

  1. Sus! na subrahan lang yan sila sa OISHI! Paano naman punom puno ng MSG ang laman nun ..yan tuloy nag ka dilirio!

Leave a Reply

Your email address will not be published.