8 Estudyante, Kalaboso sa Pot Session

ARESTADO NG mga awtoridad ang walong high school students na umano’y nagpa-pot session sa isang gusali malapit sa Aringay National High School sa bayan ng Aringay, La Union alas-2:00 ng hapon kamakailan.

Ayon sa impormasyon, agad umanong nagresponde ang mga pulis matapos nilang matanggap ang report na humihithit ng Marijuana ang nasabing mga estudyante.

Kabilang sa mga naaresto ay nakilala sa pangalang Romar Navarro at Roldan Villanueva, kapwa 18-anyos; limang dalagita at isang binatilyo na nasa pagitan ng 13 hanggang 15-anyos ang edad na pawang naninirahan sa nabanggit na bayan.

Samantala, nakum-piska rin umano mula sa mga mag-aaral ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng Marijuana.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.