8 Buwang Nawawala Mister, Kalansay Nang matagpuan ni Misis

KALANSAY NA nang natagpuan ng isang misis ang kanyang mister matapos ang walong buwang paghahanap nito sa Sitio Boat, Brgy. Punta Engaño, Lapu-lapu City, lalawigan ng Cebu.

Kinilala ang biktima na si Reterson Geneston, 32, residente ng Sitio Kalipayan sa naturang pook.

Ayon sa asawa nito na na-kilalang si Christine, 31, na-kilala nito ang kanyang mister dahil sa suot nitong damit.

Sinabi nito na noong May 12, 2011 pa nawawala ng kanyang asawa, matapos itong magpaalam na ma-ngunguha ng panggatong sa nasabing lugar. Ngunit hindi na ito bumalik sa kanilang tahanan, dahilan ng kanilang labis na pag-aalala.

Sinasabing napagkamalan ang kanyang asawa na magnanakaw ng kambing. Kasunod nito ay pinatay at isinilid sa sako at saka inilibing ang kaawa-awang mister.

Nahukay na lang ang bangkay ni Geneston na isa nang kalansay matapos na may isang hindi nagpakilalang lalaki ang tumawag sa kapatid ni Christine na si Ofelia Felimina Bijildo.

Dahil dito, dali silang humingi ng tulong sa mga awtoridad. Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.