8 Bata, Sugatan sa Lindol sa Cotabato

UMAKYAT NA sa walo ang nasugatan at ginagamot sa isang pagamutan sa Cabacan, Cotabato kasunod ng magnitude 5.7 na lindol nitong Sabado ng gabi.

Sinabi ni Cotabato action officer Cynthia Ortega na limang bata mula sa Barangay Kimadzil habang tatlong bata mula sa Barangay Kibudtungan ang nasugatan dahil sa mga nagbagsakang bahagi ng kanilang mga bahay.

Wala pa namang inilalabas na mga pangalan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Problema naman ng pamunuan ng Kimadzil Elementary School ang pagbabalik-eskwela ng mga bata ngayong araw dahil apat sa pitong school building nila ang idineklara ng PDRRMO na totally damaged.

Bagamat hindi bumagsak nang tuluyan, hindi na maaaring gamitin dahil sa malalaking bitak na nakita.

Sinabi pa ni Ortega na tanging ang covered court, social hall at isang school building ang maaari pang magamit.

Sa ngayon, nag-iikot sa Barangay Kimadzil at Kabudtungan ang team ng PDRRMO kung saan sa mga naturang  barangay ng Carmen natunton ang sentro ng lindol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.