8-Anyos, Utas sa 6-Wheeler Truck

PATAY ANG walong taong gulang na bata matapos  masagasaan ng six-wheeler truck sa Brgy. Anabo, Lemery, Iloilo.

Ayon kay PO3 Jessie Mark Rebuna, sinabi nito na sakay ng motorsiklo ang bata kasama ang kanyang ina nang maaksidente ang mga ito.

Dahil mabilis ang takbo ng motorsiklo nang mangyari ang insidente, tumilapon ang biktima sa kabilang bahagi ng daan.

Nagkataon naman na may dumaan na six-wheeler truck hanggang sa nasagasaan ang paslit.

Dinala pa sa Sara District Hospital sa karatig-bayan ang bata subalit idineklarang dead on arrival na ito ng mga manggagamot.

Sa ngayon, nakakulong na sa police station ang driver ng truck na nakilala namang si Leo Oberio y Subong, 24, binata, ng nasabing lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.