8-Anyos, Todas sa Tren

LABIS NA naghihinagpis ang pamilya ng walong taong gulang na bata matapos na mabangga ng tren sa Naga City.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Mark Angelo Besmonte, residente ng Barangay Lerma.

Sinabi ni Constancio Toledano, ang operations manager ng Philippine National Railways Naga na kinumpirma nito na alas-9:00 kahapon ng umaga nang mangyari ang aksidente.

Sangkot sa insidente ang engineering tren na papunta sana ng Albay.

Napag-alaman na biglang nadapa ang bata hanggang sa pumailalim sa riles.

Hindi na nagawang mabawi pa ng operator ang manibela ng tren dahil sa biglaang pangyayari.

Dead on the spot ang biktima na pinaniniwalaang nakikipaghabulan nang mangyari ang insidente.

Samantala, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing pangyayari at hinihintay na lamang ang magiging hakbang ng pamilya ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.