8-Anyos, Nabaril ng Kapwa 8-Anyos

NAGPAPAGALING PA ang isang walong taong gulang na batang lalaki sa Quezon Province matapos aksidenteng mabaril ng kanyang kalaro.

Sinabi ni PO2 Daniel Hernandez ng PNP sa bayan ng Sariaya na nangyari ang insidente kamakailan kung saan ang salarin ay walong taong gulang din.

Nabatid na naglaro ang dalawa sa loob ng bahay ng nakabaril kung saan nakita ang isang improvised caliber 22 o sumpak sa itaas ng cabinet.

Nagkataon umanong nagtatrabaho ang ama ng bata kaya’t hindi nakita na ginalaw na pala ng anak ang baril.

Tama sa kaliwang pis-ngi malapit sa tenga ang tinamo ng biktima na agad naisugod sa pagamutan.

Samantala, inihahanda na ang kasong isasampa sa ama ng batang nakabaril sa kanyang kalaro.

Sa ngayon, nakatakda namang isailalim sa counseling ang dalawang bata dahil sa nangyaring insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.