8-Anyos na Nene, Niluray ng Tiyuhin at Pinsan na Kapwa 15-Anyos

GINAHASA ANG isang 8-taong gulang na bata ng kanyang tiyuhin at pinsan sa Maynila kamakailan.

Umiiyak ang batang si “Angela” nang ikuwento sa kanyang ina at lola kung paano siya ilang beses nang ginahasa ng tiyuhin at pinsan na kapwa 15-anyos.

Takot pang magsalita ang biktima pero napilit din ng kanyang lola na magkuwento.

Sinabi ng bata na tanghaling tapat umano kung ikulong siya ng mga suspek sa isang kariton. Pero may ibang lugar pa aniyang pinagdalhan sa kanya at doon ginahasa.

Todo-tanggi naman ang mga suspek sa ibinibintang sa kanila ng bata.

Pero desidido ang lola at nanay ng biktima na ipakulong ang mga ito.

Samantala, hindi naman puwedeng makulong ang dalawa na kapwa menor-de-edad kaya dadalhin muna sila sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.