8-Anyos, Inutas ng Kuya

SA PAG-AAKALANG laruan, nabaril ng shotgun at napatay ang isang 8-anyos na bunsong kapatid ng 12-anyos na kuya habang naglalaro sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Siay, Zamboanga Sibugay kamakailan.

Nasapul ng bala ng shotgun sa dibdib ang biktimang si Jonel Rufino Rosal habang nasa state of shock naman ang batang salarin na itinago sa pangalang Ramil matapos mabaril ang kanyang utol.

Base sa report na nakara¬ting kay P/Chief Inspector Ariel Huesca, spokesman ng police regional office, naganap ang insidente sa inuupahang bahay ng pamilya Rosal sa Barangay Sibuguey.

Nabatid na naglalaro ng taguan ang magkapatid nang makita  ng salarin ang shotgun na nakatago sa ilalim ng kama ni Dasio Lumbuan.

Lumalabas sa beripikasyon ng mga kinauukulan, ang baril at bahay na inuupahan ng pamilya Rosal ay sinasabing pag-aari ni Alfredo Lumbuan na namatay na .

Gayon pa man sa pag-aakalang laruan ang shotgun ay agad na itinutok ng salarin sa kaniyang kapatid saka kinalabit ang gatilyo.

Dito na sumapul ang bala sa dibdib ng biktima kung saan duguan itong bumulagta.

Samantala, agad namang napasugod ang ina ng magkapatid sa pinagmulan ng putok at umiiyak itong niyakap ang du-guang anak.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.