8-Anyos, Dinaliri ng Tiyo

KALABOSO ANG 23- ANYOS na tricycle driver matapos na ireklamo ng kanyang paslit na pamangkin ng panghahalay kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eduardo Reyes, 23-anyos, tricycle driver, residente ng F. Mariano Ave., Brgy. Dela Paz, ng nasabing lungsod.

Ang suspek ay pormal na inireklamo ng 8-anyos na si Airah (hindi tunay na pangalan), pamangkin ng suspek at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon kay PO1 Merian Dayap, ng Women’s and Children’s Protection Desk, ang reklamo ay nagsimula nang ikuwento ng biktima sa kanyang guro ang ginawa ng kanyang tiyuhin na agad namang ipinagbigay-alam sa ina ng bata.

Sa salaysay ng biktima, nakahiga siya sa bahay ng kanyang Tito Weng (tawag ng biktima sa suspek) nang tinabihan siya nito at saka pinaghihipuan bago ipinasok ang daliri sa kanyang ari.

Ayon pa sa imbestigasyon, ang bata ay nakatira sa bahay ng suspek kung saan ang biktima pa ang nag-aalaga sa anak ng suspek.

Bagama’t hindi direktang inaamin ng suspek ang akusasyon sa kanya ng pamangkin, sinabi lang nitong lasing siya sa alak nang mangyari ang sinasabing insidente. “Hindi ko po alam ang sinasabi niya (biktima), lasing po ako nang mga oras na iyon,” pahayag ng suspek.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.