8-Anyos, Dinaliri ng Stepdad

KALABOSO ANG isang manyakis na lalaki matapos halayin ng ilang ulit mula pa noong taong 2011 ang isang  8-taong gulang na stepdaughter sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Bangkal, Malolos City.

Kinilala ang suspek na si Rolando Dinio y Ramones, 52 anyos, driver, at residente ng Block 3, Lot 2 Extension, Brgy. Bangkal.

Ayon kay Supt. Dave Poklay, Malolos City police chief, magkasamang dumulog sa himpilan ng pulisya si Emma (hindi tunay na pangalan) estudyante, kahapon kasama ang ina para isumbong ang ginawang panghahalay sa kanya ng stepfather.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng  biktima, sinimulan siyang daliriin ng suspek noong 2011. Tuwing uuwi umano ang kanyang amain mula sa lingguhang pagtatrabo ay hindi maaring hindi siya halayin ng suspek sa pamamagitan ng pagpasok ng daliri nito sa kanyang ari.

Huling beses na ginalaw siya ng amain ay noong Lunes bandang ala-una ng hapon.

Natigil lang umano ang panghahalay ng suspek ng magsumbong ang kapatid ng biktima sa nanay nito dahil nasaksihan umano ang panghahalay ng suspek.

Bunsod nito, agad bumuo si Poklay ng isang team sa pamumuno ni Insp. Almer Eustaquio para magsagawa na follow-up operation, kung saan nahuli ang suspek sa Brgy. Lourdes, Laloma, Quezon City, na namamasukan bilang driver.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang  suspek sa Malolos City Jail sa kasong Rape in relation to RA 7610.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.