79 Party-List, Nakalusot sa Comelec

INILABAS NA kahapon ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang 79 na party-list sa mahigit 300 na aplikante na pinayagang tumakbo sa party-list race sa darating na 2013 elections.

Ilan sa mga party-list na pinayagang tumakbo ng Comelec ay Ang Buhay, Pro Life, Alagad, Gabriela, Anakpawis, Ang Mata’y Alagaan, Ang Ladlad, Kabataan, Anwaray, Cibac, Bayan Muna, Diwa, Ang Nars, Piston, Abante Retirees, at iba pa.

Dagdag pa ni Brillantes, 172 sa mga aplikante ang mga bago habang 184 ang existing party-lists. Habang lima pa ang hindi pa napagdedesisyunan ng ahensya.

Pinal na ang desisyon ng Comelec kaya pinapayuhan ang mga magre-reklamo na dumiretso na umano sa korte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.