Pagadian Mayor; 7 Pa, Muling Kinasuhan ng Syndicated Estafa

PANIBAGONG KASO ng syndicated estafa ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban kay Pagadian City Mayor Samuel Co, dalawang opisyal ng city hall at pitong opisyal ng Aman Futures Group Philippines Incorporated kaugnay ng pyramiding scam.

Base sa reklamo ni Zaalica Adiong, P3.2 milyong investment ang inilagak niya sa Aman sa pagitan ng buwan ng Pebrero at Setyembre sa Pagadian City.

Si City Treasurer Flornina Gerona ang tumanggap umano ng kanyang pera at inisyuhan siya ng resibo ng isa pang empleyado ni Mayor Co na si Haide Sepada.

Kasama ring kinasuhan ang pinuno ng Aman Futures na si Manuel Amalilio at anim na iba pang opisyal nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.