Ayaw tigilan si Jodi Sta. Maria
Iwa Moto, sobrang papansin!

HINDI KO maintindihan itong si Iwa Moto kung nagpapansin lang o hindi pa rin nakapag-move on sa hiwalayan nila ni Mickey Ablan.

Ayaw pa ring tumigil sa kadadakdak at tinitira si Jodi Sta. Maria, samantalang tahimik lang naman ang huli.

Nagsalita na naman kasi ulit, at inamin na niya sa publiko na totoong nagpakasal sila ni Mickey nu’ng October 19, 2009 sa Silang, Cavite.

Kaya raw niya inamin na sa publiko dahil sa payo na rin ng ka-relasyon niya ngayon na si Pampi Lacson para malaya na raw siya sa lahat at wala na siyang tinatago.

Ang sabi naman nitong Iwa, kaya raw niya ibinunyag para malinaw lang daw na hindi siya ang kumabit kundi siya raw ang inagawan ng asawa.

Patama na naman niya ito kay Jodi Sta. Maria dahil siya pa raw ang pinagbibintangang kabit samantalang malinaw naman daw na nakarelasyon niya si Pampi, matagal nang hiwalay ito kay Jodi.

Eh, ano naman?! Matagal nang alam ng lahat ‘yun, ah!

Narinig ba nating nagsalita si Jodi at pinagbintangan siyang nang-agaw ng may asawa?

Ang dami nang sinabi ng babaeng ito, wala naman tayong naririnig kay Jodi, ah!

Nu’ng nakaraang Sabado nga sa birthday event ni Andeng Bautista-Ynares sa Ynares Center, inabangan ng mga TV crew si Jodi na dumalo roon, pero hindi talaga ito sumagot. Ayaw niyang magbigay ng kahit isang linya dahil ayaw niya talagang patulan. Bakit nagpuputak pa rin itong Iwa?

Nu’ng nagsalita ito tungkol sa kasal nila ni Mickey, kaagad na tinawagan ito ng Startalk para hingan ng reaksyon.

Sabi niya, magsasalita naman daw siya pero nagtataka pa siya kung bakit kaila-ngan pa nitong magsalita.

Pero itinatanggi naman ni Mickey na naging sila ni Jodi.

Ang ikinagulat pa ni Mickey, si-nabi ni Iwa na nabuntis daw siya noon nu’ng magkasama pa silang dalawa. Kaya lang nakunan daw siya dahil sa lagi nilang pag-aaway ni Mickey dahil kay Jodi.

Hindi raw totoo ‘yun, at nagtataka siya kung bakit gumagawa pa raw si Iwa ng ganu’ng kuwento.

Hay, naku! Hindi ko alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi nitong Iwa.

Kahit ano pa’ng mga sasabihin nito ngayon, dedma talaga si Jodi at hindi raw niya ito papatulan.

Alam ko, magsasalita si Mickey sa Startalk para linawin ito lahat. Kaya tiyak na hindi pa rin titigil sa pagsasalita itong Iwa.

 

MAGKASABAY NAMAN na nag-guest sina Jillian Ward at Ryza Mae Dizon sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, para patunayan na walang intriga sa kanilang dalawa.

Ano ba ‘yan?! Ang babata pa nila para intrigahin. Hit na hit kasi ngayon si Ryza Mae dahil sa Eat Bulaga, kaya naiintrigang nai-insecure daw si Jillian.

Napagdaanan naman ni Jillian ang kasikatang ‘yun, kaya hindi na siya kailangang ma-insecure, ‘no!

Mabait pa nga siya kay Ryza at gusto nga niyang regaluhan ng aso. Kaya lang ayaw ng bagets dahil takot daw siya sa aso.

Kapansin-pansin kasing mas lamang si Ryza Mae sa exposure kesa kay Jillian.

Nu’ng nakaraaang Agimat at si Enteng nila ay si Jillian naman ang bida, at parang guesting lang siya rito.

Malaking bagay nga ang partisipasyong ng dalawang batang ito sa pelikula dahil pambata at pampamilya naman talaga ang pelikula nila ngayong pang-MMFF na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Ayaw tigilan si Jodi Sta. Maria
Iwa Moto, sobrang papansin!

  1. ang dami namang sinabi ni iwa..samantalang tahimik lang si jodi.mahiya naman sya.at wag syang papansin..nananahimik na nga lang yung tao.isa pa di dapat sya gumagawa ng ‘story’ nya lalo na kung hndi 22o..

  2. For Jodi Sta. Maria to keep quiet the whole time while Iwa is talking, lalo lang napa wow ang mga tao kay Jodi, that is class act and grace under pressure in Jodi’s part.  And for Jodi to act educated while under fire from Iwa is a big OUCHHHHHH to Iwa, hehehehehehe.  Yan kasi Iwa, nag-aaral ka sana para naman malalaman mo ang good manners and right conduct at hindi lang sana magpo pose na half naked at papasexy sa ibat ibang pictorial mo at paiyak iyak sa interview mo ang gagawin mo.  Mag level up ka na sana Iwa at huwag paawa effect ang gagawin mo, nagmukha ka tuloy na cheap ang dating sa iba.  OUCHHHHHH…..  :-(

  3. Ano ba naman si Iwa compared kay Jodi? Parang kinompare ang damit sa ukay-ukay sa designer’s cloth. Si Iwa, mas mababa pa ang level nyan sa mga EB babes, Sex Bomb, etc. Si Jodi, ang kalevel nyan sina Judy Ann Santos. So obvious namang papansin lang si Iwa. Parang si Kim Kardashian lang.

    Kung may pupunahin kay Jodi, yun ang pagpili sa lalaki. E mukhang palaka si Jolo. Akalain mong patulan. Ako na ang salbahe!

  4. E yang si Jillian, ang bata bata pa lang, masyado ng epal at bibo. Alam naman ng mga mommy na nagpa-audition ng anak sa GMA kung gano kasama ugali nyang batang yan at gaano ka engot yung nanay nyan na kahit may inaaway na bata yung anak nya, hindi nya pipigilan.

  5. NAGWAWALA ANG HAPONESA DAHIL NAIPUTAN SIYA SA ULO NI JODI SANTAMARIA HAHAHA.. NAKIPAG KANTUTAN SI JODI SA ASAWA NI HAPONESA ANG MASAMA LANG NAUNANG KUMABIT SI JODI HAHAHA. NGAYON ANG GANTI NI HAPONESA NAG PA IYOT NA RIN SA ASAWA NI JODI GANTI GANTIHAN NA ANG MGA IMORAL. SILA DAPAT GUMAWA NG PART 2 NG A SECRET AFFAIR. TAKOT MAGSALITA YANG SI JODI EH GUILTY EH HAHAHA EH ETONG SI HAPONESA MADALDAL BUKAS MAKALAWA BAKA MERON NA RIN YAN NAGLALABASANG MGA SEX VIDEO.

    • May all caps ka pang nalalaman. Tahimik si Jodi kasi disente syang tao, malaki syang artista at hindi F-lister tulad ni Iwa. Ikaw, F-lister ka tulad ni Iwa. Alam lang mag all caps. Feeling mo naman comprehensible ka. Leche flan!

  6. feeling ko kapag hindi jowa ni jolo revilla si jodi sta. maria hindi magrereact itong si lolita sa issue ni iwa, si lolita lang naman kasi ang manager ng pamilya revilla kaya todo pagtatanggol sya sa mga alaga nya kasama na ng mga nagiging jowa nila. anyway, tama man si iwa sa mga statements nya, wala nang maniniwala sa kanya, talagang totally starlet ang level nya.

    .

    mas maganda kung siguro kung parehong limang taong gulang sina ryza mae at jillian para talagang masasabi bibo at hindi showbiz, pitong taong gulang sila at halatang showbiz na lalo na si jillian. pero sabi nga ni lolita, bata nga sila at tama na muna ang tsismis, yung ina lang naman ata ni jillian ang naiinsecure sa batang si ryza mae.

  7. Its very obvious nmn na nagpapapansin lang itong Iwa Moto na ito. Bka nga nmn mapansin at mabigyan ng project.  Nakakaawa nmn cya. Pra n cyang desperada tlga. Sana wag na lang cyang magpakontrebersyal kc nagmumukha lang cyang tanga kc hindi nmn cya pinapatulan nung kabila.  Am sure pinagtatawanan lang cya. Hey Iwa Moto wake up girl and move on.

  8. May psychological problem na itong si Iwa. Masyadong dependent sa mga lalaki tapos sinisira ang sarili. Siguro wala na siyang raket kaya masyadong papansin at kung anu-anong ginagawa nya. Lalo lang niyang nilalayo ang swerte sa kanya. Si Mickey Ablan buti na lang din pala kay Janna napunta at mukhang masaya na sila ngayon. It seems like Iwa is the real problem here. Tsk. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.