78 na Pasaway na Driver ng Tricycle at Pedicab, Hinuli

UMABOT SA 78 driver ng tricycle at pedicab ang nahuli ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Caloocan dahil sa pinaigting na kampanya laban sa mga illegal terminal sa buong lungsod simula noong Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.

Base sa ulat na isinumite ng Tricycle and Pedicab Regulatory Services (TPRS) kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, sa nasabing bilang, 75 sa mga ito ang nahuli sa kasong illegal terminal habang ang tatlo naman ay dahil sa pagkakaroon ng expired mayor’s permit.

Ang pagkakahuli sa mga pasaway na tricycle at pedicab drivers ay dahil na rin sa paglabag ng mga ito sa ordinance number 0391 series of 2005 na mas kilala sa tawag na “an ordinance providing for the adaptation of the new traffic management code of Caloocan City.

Ayon pa sa talaan ng TPRS, ang 75 sa mga nahuling driver ng tricycle at pedicab ay dahil din sa paglabag ng mga ito sa article 10, section 44 (vehicles not to be in certain areas) ng naturang ordinansa.

Ang mga nahuling pasaway na driver ng tricycle at pedicab ay pagmumultahin ng P500 dahil sa paglabag ng mga ito sa ordinansang nabanggit

Napag-alaman pa sa TPRS na karamihan sa mga nahuling driver ng tricycle at pedicab ay ang mga inirereklamo ng ilang motorista at residente na ginagawang terminal ang mga pa-ngunahing kalsada sa lungsod.

Sinabi pa ni Echiverri na higit pang paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang kampanya laban sa mga driver na ginagawang terminal ang mga kalsada dahil bukod sa pagsisikip ng daloy ng trapiko ay posible ring masangkot ang mga ito sa vehicular accident.

Bukod sa mga tricycle at pedicab ay ipinahuhuli rin ng alkalde ang mga pasaway na driver ng mga pampasaherong jeep na ginagawang terminal ang mga kalsada sa kanilang pagkuha ng mga pasahero.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri ang mga opisyal ng barangay na atasan ang kanilang mga tanod na tumulong sa mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) na sumita at humuli sa mga pasaway na driver na ginagawang terminal ang mga kalsada.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.