78 manggagantsong Taiwanese, timbog sa raid

ARESTADO ANG 78 Taiwanese national na mga miyembro umano ng international financial fraud syndicate sa operasyon na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa Barangay Ladislawa, Davao City.

Sumugod ang 12 operatiba ng Davao City Police (DCPO) at 11 operatiba ng Criminal Investigation Group (CIDG) sa pangu-nguna ni City Director Police Senior Superintendent Ronald M. Dela Rosa kasama ang anim na pulis ng Taiwanese Criminal Investigation Bureau.

Naaresto ang mga dayuhan na sangkot umano sa panloloko sa mga kapwa Taiwanese at Chinese retirees matapos ma-raid sa tatlong safehouse – Valgozon Compound, Velazco Subdivision, Bangkal, Davao City; Blk. 3 Lot 24, cor. Ilang Ilang St., Villa Josefina Village, Matina, Davao City; at 18 Dahlia Circle-loops St., Ladislawa Village, Buhangin, Davao City.

Ayon kay Senior Superintendent Dela Rosa, nasabat ng mga awtoridad sa raid ang mga internet routers, laptop at iba pang mga gadget na nakaset-up pa na pang-call center at kanilang ginagamit sa iligal na operasyon.

Nagtangka pang tumakas ang ilan sa mga suspek nang makita ang mga awtoridad ngunit agad naman silang nadakip ng mga pulis.

Dalawang buwan ding minanmanan ang grupo bago isinagawa ang raid.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.