76 na Kolorum na Sasakyan, Huli sa 2 Araw na Operasyon

UMABOT NA sa 76 na kolorum na sasakyan ang nahuli sa dalawang araw na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay NCRPO Chief Supt. Leonardo Espina, sa operasyon kahapon lang ay 36 na kolorum na sasakyan na ang kanilang nahuli.
Pinakamaraming nahuli sa mga lugar na sakop ng Eastern Police District (EPD) kung saan 15 kolorum ang nahuli, at 11 naman sa sakop ng Southern Police District (SPD).
Samantala, bukod sa operasyon ng NCRPO at LTFRB, may lagpas sa 100 na kolorum na sasakyan na ang unang natimbog ng NCRPO, sa tulong nga mga traffic office ng bawat lungsod at ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ang mga nahuling kolorum na sasakyan sa nakalipas na 2 araw ay dinala sa impounding area na ng LTFRB sa Taytay, Rizal.
(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.